Thursday, October 25, 2018


My 2 days and 1 night experience in Buscalan Village, Tinglayan Kalinga is one of my unforgettable moment as Probinsiyana na pumunta ng ciudad. It is my first travel outside Metro Manila. I joined a package tour since for me mas enjoy siya kasi marami kayo, mas makakatipid ka, hindi boring kasi marami kang pwede makausap, making and meeting new friends. Umalis kami ng Manila around 11:30 ng gabi tapos nakarating kami dun ng mga past 11 din ng umaga. Mula babaan kailangan pa namin maglakad ng isa't kalahating oras papunta sa lugar nila Apo Whang Od.





Ito yung pinaka dead-end na kung saan pwede lang yung sasakyan. So ibig sabihin maglalakad na kami ng isa't kalahating oras. Mainit kasi tirik yung araw kaya sa simula pa lang sinabi na sa amin ng group coordinator na wag kalimutan magdala ng tubig. 





Ito na mga dongdai umpisa na ng lakad mode hehehe! Wala pa kami sa kalahati pero tagaktak na yung pawis ko hahaha! Pero dahil first time ko, super excited pa rin ako at of course hindi susuko. Wala namang Probinsiyana (waraynon) na sumusuko agad! Kailangan lang ng doble ingat kasi madulas yung dina-daanan namin kasi sa gabi umulan kaya slippery siya at maputik! Yung daan na taas-baba, maputik at madulas ay medyo mahirap pala tahakin plus tirik na tirik yung sikat ng araw wooaahh!! hahaha!




after one and a half hour nakarating din kami sa wakas! yehheyyy!! Kaya pahinga muna kami bago magpabatok.. Dito pala kami nag stay mga dongdai. Comfy naman siya tsaka maluwag. May mga kutson, unan at kumot. Walang electric fan kasi ang lamig niya. Yung comfort room at liguan iisa lang. May maliit na lutuan at mesa. Bale sa stay home namin may dalawang kwarto, may mini terrace na pwede kayo mag walwalan hehehe! Dalawa lang kaming babae sa tour na to! Pero no worries mga dongdai kasama ko po si hubby...





Ayan ikot-ikot at pasyal-pasyal muna kami sa village habang hindi pa kami ang sasalang para magpa tattoo. Ito nga pala ang bahay ni Apo Whand Od sa labas. At take note mga dongdai, hindi niyo kailangan mag worry dahil super bait ng mga tao dito. Halos lahat ng nakakasalubong namin ay bumabati. As in mapi-feel mo talaga na welcome ka sa village nila. By the way, pumunta kami ng weekend kaya ang daming tourists din kaya super pila sa pagpapa tattoo. Pero hindi dapat mag alala kasi ang bahala na diyan ay yung tour guide niyo. Siya ang mag e-schedule or makikipag usap kay Apo Whang Od kung anong oras kayo pwede.




Whang-Od Oggay also known as Maria Oggay, is a filipina tattoo artist from Buscalan, Tinglayan Kalinga. She is 102 years old and often described as the last and oldest Mambabatok and part of the Butbut people of the Kalinga ethnic group.






So after 10-11 hours travel by land, more than 1 hour hiking sa matatarik na bangin, medyo maputik at slippery na daan sa ilalim ng sikat ng araw, pero sulit dahil na meet kita in person.. Ang sakit mga dongdai hahaha! pero worth it naman siya. Standing eagle nga pala yung pinabatok ko na ang kahulugan daw ay strength, freedom, guidance. 




Whang-Od Tattoo Designs. Normal sized tattoo is P500.00 with Apo Whang Od's signature na P100.00. Every design ay may mga meaning kaya kayo ng bahala kung anong design ang gusto niyo.





Meet Grace Palicas, a grand daughter of Apo Whang-Od's sister. She is a true blooded Kalinga and rightfully within the bloodline of the Butbut Mambabatok.



SIMPLE REMINDER IN ENTERING THE VILLAGE


  • If you're going to take picture of the locals in the village, ask first for their permission. Same for other people you don't in the village. It's a sign of RESPECT.
  • If you're not sure how to do something, like when it comes to cooking or where something is located, please ask for help. Locals are more than happy to help.
  • Don' spray paint or graffiti of your names/symbols all over the buildings/walls. It's great that you got to visit the village, and the future visitors/tourists don't need to see your "mark" tagged all over the place. Some home-stays provide freedom walls where you can leave a message or anything. 
  • Take a bath/shower on the first day you arrive. The hike won't make you smell better, and the locals might say something funny behind your back for not being clean.
  • In general, be respectful and behave how you' d  expect people to behave in your own home.
  • Be QUIET after curfew hours (10:00 p.m.) The villagers are getting upset at tourists staying up late and making loud noises keeping them awake.


WHAT TO BRING 

  1. Towel
  2. Toiletries (tootbrush,toothpaste,soap,shampoo etc)
  3. Change of clothes
  4. Camera
  5. Water habang naglalakad nakaka uhaw hehehe! Kaya dont forget
  6. Flashlight
  7. Powerbank (in case of power outage)
  8. Sandals/slippers 
  9. Rain cover for your backpack/bag
  10. Money, preferably small bills. The closest ATM is in Bontoc.

Another Tip: magdala kayo ng candies me mga bata na sasalubong sa inyo humihingi  ng pagkain. Mostly mga binibigay ng mga tourists are candies and chocolates. Pero no worries mga dongdai hindi naman to sapilitan. hehehe! 

Gusto niyo malaman magkano nagastos ko mga dongdai sa travel kong to? P2,500.00 pesos lang. Kasama na ang stay-home dun, yung back and forth na travel fee, at 2 meals. Oh diba hindi na masama kasi kung nag DIY kami ng hubby ko for sure hindi lang P2,500.00 each ang magagastos namin. Kaya hindi naman kailangan gumastos ng malaki para makapag lakwatsa mga dongdai ko. Marami na ngayon mga travel organizer. Pero yung P2,500.00 hindi kasama dun yung bayad namin sa pagpapabatok of course! 

Wag din mag alala if hindi kayo nabusog sa inihandang pagkain ng organizer niyo, kasi me pwede kayong kainan dun. Unli-rice pa hahaha! 

We visited there last February 2018. Ngayon ko lang inilagay sa blog ko since ngayon lang talaga ako nakapag decide na mag umpisa mag blog..


No comments:

Post a Comment